hindi ako ang pinaka magaling sa pagsulat ng mga salita't parilala
ngunit kung ito ang natatanging paraan upang bigyang linaw ang mga katanungan
susubukan kong ihabi ang mga salita hanggat mabuo ang mga letra ng iyong pangalan.
paumanhin.
mali pala ako ng akala
sa akalang masasanay rin ako.
sa buhay na kasama ang iyong multo
habang bitbit ko ang mga alaala.
mali pala ako
ng hinuha na makakalimutan ko rin
ang mga pininta mong ngiti
habang unti unti mong hinahabi
ang pira-piraso ng aking kaluluwa.
kung pahihintulutan ay sayo ibabaling,
mga luha't salitang ikaw lamang ang may kakayahan
na kausapin at yakapin
ang kaluluwang minsanay iyong binuo
ay muli uling pumipiraso
habang binubuo ang mga letra ng pangalan mo.
02 sugat
paano titigil ang agos ng pait
kung ang lalim ay di na maihahabi
ang mga nakaraang iyong hinilom
tila hindi mapapantayan ang bakas ng mga luha
na minsanang ikaw ang nagpunas.
-- paano ba maghihilom ng kusa
ang pusong ikaw lang ang may kakayahang gamutin?
.jpg)
No comments:
Post a Comment